Plano ng Department of Environment & Natural Resources (DENR) na limitahan ang bilang ng mga turista sa Boracay.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DENR Secretary Jim Sampulna na layunin nitong maiwasan ang problema sa fecal coliform sa karagatan.
Ayon kay Sampulna, lumalabas sa kanilang pag-aaral na dapat ay magpatupad ng carrying capacity lamang sa Boracay.
Ibig sabihin kailangang magtakda ng bilang ng mga turistang papasok sa isla para mapangasiwaang mabuti ang mga problemang pangkalikasan doon.
Matatandaang dati nang nagpatupad ng ganitong patakaran sa Boracay Island noong panahong bagong linis ito at isinailalim sa rehabilitasyon.
Facebook Comments