DENR, naalarma sa pagkakadiskubre ng mga itinapong face masks sa Anilao Reef

Nababahala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa problemang dulot ng ireponsableng pagtatapos ng household healthcare wastes ngayong pandemya.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, nadiskubre nila ang mga disposable face masks, plastic face shields at iba pang healthcare wastes sa mga bahura.

Aniya, mapanganib ito sa marine life at sa divers.


Partikular aniya nadiskubre ang mga single-use face masks na nakabuhol sa mga coral reefs sa Anilao, Batangas.

Bagama’t mahalagang sumunod sa public health protocols laban sa COVID-19, importante ring alam ng mga tao ang responsiblidad nila sa kanilang kapaligiran.

Nakikipagtulungan na ang DENR sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pag-iisyu ng Local Government Units (LGUs) ng direktiba hinggil sa tamang pagtatapon ng household healthcare wastes at paglilinis sa mga esteros.

Facebook Comments