Personal na nagtungo sa Limay, Bataan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga upang makapagsagawa ng aerial inspection sa nangyaring oil spill sa Lamao Point.
Aalamin ng kalihim ang lawak ng pinsala sa kapaligiran ng pagtagas ng langis mula sa tumaob na motor tanker.
Sa isang pahayag, sinabi ng DENR na pinaghahandaan nila ngayon na protektahan ang marine ecosystem at ang kalusugan ng publiko sa baybayin ng Bataan.
Mangangailangan umano ng sama-samang pagkilos upang mapadali ang pagbawi at pagpapanumbalik sa normal na buhay ng mga apektado ng oil spill.
Ang BRP Melchora Aquino ng Philippine Coast Guard ay naglunsad ng search and rescue operations para sa nawawalang crew ng motor tanker.
Facebook Comments