Inilabas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 10 halaman na karaniwang pinuputol o kinukuha sa bansa.
Nabatid na tinutugis ng DENR Regional Offices sa Mindanao ang mga poacher ng mga halaman na sinasamantala ang panahon kung saan nauuso ang gardening sa mga Pilipino sa gitna ng pandemya.
Batay sa listahan ng DENR-SOCCSKSARGEN, ang mga poached threatened plants ay: orchids (Dendrobiums, Hoyas, Lady slippers, Phalaenopsis, Waling-waling); tree ferns; Molave Bonsai; Cycad Medinilla; Alocacia; Begonia; Zingiber o wild ginger at Agarwood.
Ang DENR-Zamboanga Peninsula ay naglabas din ng kaparehas na listahan.
Ayon kay DENR-Zamboanga Peninsula Executive Director Crisanta Marlene Rodriguez, ang pagha-harvest ng mga nabanggit na halaman ay ipinagbabawal sa ilalim ng batas.
“The collection of wild flora directly from the forest, especially those considered as threatened species, without permit is prohibited under Republic Act 9147 or the Wildlife Resources Conservation and Protection Act,” sabi ni Rodriguez.
Ang mga plant poachers na mahuhuling kumukuha ng wild plants sa gubat na walang kaukulang permit ay maaaring maparusahan.
Ang mga makukumpiskang wild plants na maituturing na critically endangered species, ang mga lalabag ay maaaring kaharapin ang anim hanggang 12 taong pagkakakulong at multa mula ₱100,000 hanggang ₱1 million.