
Posible ang landslides o pagguho ng lupa at pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon, sa gitna ng malakas na ulan bunsod ng Low Pressure Area (LPA) at Habagat.
Ito ang naging babala ng Mines and Geosciences Bureau o MGB.
Sa kanilang abiso, sinabi ng MGB na nasa 252 na barangay sa Cagayan, Isabela, Zambales, Bataan, Apayao, Kalinga, at Ilocos Sur ang malapit sa panganib.
Pinapayuhan naman ng MGB ang iba pang lalawigan na apektado ng LPA at Habagat na mag-ingat at maghanda.
Sa Metro Manila naman, sinabi ng MGB na ang geohazards ay maaaring maranasan sa 412 na barangays sa Maynila, Marikina, Pasig, Quezon City, Caloocan, Novaliches, Navotas, at Malabon.
Facebook Comments









