DENR, nagbigay ng PPEs sa frontliners sa mga COVID-19 checkpoints

Nagpamahagi ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Personal Protective Equipment (PPEs) na nagkakahalaga ng ₱500,000 sa Office of Civil Defense (OCD).

Kinabibilangan ito ng 25,000 piraso ng face masks at 500 face shields na gagamitin ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na nangangasiwa ng mga COVID-19 checkpoint sa buong bansa.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, layon ng naturang proyekto na makatulong sa gobyerno sa pagsugpo nito sa COVID-19.


Aniya, nagtulong-tulong ang mga opisyales at empleyado ng ahensya upang makalikom ng ₱500,000 para sa ikatlong bahagi ng ComPassion Project.

Ang unang bahagi ng ComPassion Project ay sinimulan sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods sa mga nangangailangang komunidad habang ang ikalawang bahagi naman ay inilaan sa mga medical frontliners sa Quezon City.

Facebook Comments