DENR, naghahanda na para sa isang makataong paglilipat ng mga residenteng nasa loob ng kontrobersyal na SBSI community sa Siargao

Inihahanda na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang proseso ng maingat na paglilipat sa mga residente ng Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI) community.n

Kasunod na rin ito ng ginawang pagkansela ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga sa Protected Area Community-Based Resource Management Agreement ng SBSI dahil sa patong-patong na paglabag nito sa sa implementasyon ng Community-based Resource Management Plan.

Sa Isang statement, sinabi ng DENR na kinakailangan nilang tiyakin na ang gagawing self-demolition sa protected area ay magiging payapa at makatao.


Kasama sa paghahanda ang pagtatakda ng schedule sa gagawing paglipat.

Binanggit ng DENR na isa sa paglabag ng SBSI ay ang pagtatayo ng mga bahay at iba pang residential structures sa protected area.

Nakipagtutulungan naman ang DENR sa Department of Justice (DOJ), Department of Social Welfare and Development (DZWD) at sa provincial government para sa integration sa ibang lugar ng mga dating residente sa SBSI area.

Facebook Comments