Nagsagawa ang Department of Environment and Natural Resources – Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO) Western Pangasinan ng seremonyal na pamamahagi ng 300,000 punla ng mga punong-kahoy sa mga bayan ng unang distrito ng Pangasinan.
Kabilang sa mga ipinamahaging punla ang mga katutubong species gaya ng Narra at Dao na layong gamitin sa mga proyekto ng reforestation.
Layunin ng hakbang na ito na mapabilis ang rehabilitasyon ng kalikasan matapos ang mga nagdaang bagyo at mapalakas ang kakayahan ng mga komunidad laban sa epekto ng pagbabago ng klima.
Ayon sa DENR, bahagi ito ng mas malawak na programa ng pamahalaan para sa pangangalaga ng kapaligiran at sustainable development.
Hinikayat din ng ahensya ang publiko na makibahagi sa pagtatanim at pangangalaga ng kagubatan.









