Manila, Philippines – Binakuran na ng mga awtoridad ang Manila Bay kasunod ng pagdami ng mga naliligo doon.
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, binakuran ang baywalk sa Roxas Boulevard na sasakop mula US Embassy hanggang Manila Yacht Club.
Aniya, mga orange barrier ang pinangharang dito at nilagyan pa ng karagdagang mga senyales.
Paglilinaw naman ni Environment Secretary Roy Cimatu, maaari pa ring namang pasyalan ang Manila Bay basta huwag lang tatawid sa mga bakod.
Magugunitang dumami ang bilang ng mga naliligo sa Manila Bay nang tanggalin ang tone-toneladang basura sa bisa ng isang malawakang clean-up drive na isinagawa mula Enero 27.
Facebook Comments