DENR, nagtungo na sa marine incident site sa Naujan, Oriental Mindoro para suriin ang oil spill

Nagtungo na rin ang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lugar kung saan nangyari ang maritime incident sa Naujan, Oriental Mindoro.

Lumubog ang kalahating bahagi ng motor tanker na MT Princess Empress.

May kargang 800,000 na litro ng industrial fuel ang naturang barko.


Mino-monitor ng ahensya ang insidente upang makita ang posibleng pinsala nito sa marine biodiversity at ang epekto ng tumagas na langis sa kabuhayan ng mga residente malapit sa baybayin ng Naujan.

Aminado ang DENR na pahirapang makarating sa site dahil sa masamang lagay ng panahon.

Sa ngayon ay limitado lang sa aerial survey ang paglapit sa site.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DENR sa mga lokal na pamahalaan ng Naujan at sa Philippine Coast Guard (PCG).

Facebook Comments