DENR, nakaaresto ng 31 illegal wildlife traders simula nang magkaroon ng pandemya

Abot sa 31 wildlife traders ang hinuli ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) simula Marso 2020 hanggang Mayo 2021 kahit na may limitasyon dahil sa pandemya.

Gayunman, hindi pa rin ito sapat ayon kay Secretary Roy Cimatu.

Aniya, kahit patuloy ang pagpapalakas sa kapasidad ng wildlife enforcers, nagbabago na rin ang panahon at ang teknolohiya.


Bagama’t patuloy ang mga training at seminar sa iba’t ibang bahagi ng wildlife law enforcement kabilang na rito ang national at international laws, paghihigpit sa pag-monitor sa seaports at airports at pakikipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies, mahalagang maipasa na ang ilang panukalang batas na mag-aamyenda sa Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.

Facebook Comments