Magiging kapartner na ng Department of Environment and Natural Resources ang Church based organization na Couples for Christ para makapagtanim ng isang milyong puno sa ilalim ng Expanded National Greening Program.
Ang partnership ay sinelyuhan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement sa pagitan nina Environment Secretary Roy Cimatu at CFC-Philippines president Michael Ariola.
Sa ilalim ng MOA, pakikilusin ng CFP ang kanilang puwersa para sa isang pambansang reforestation effort na magsisimula ngayong 2019 na magtatagal hanggang 2021.
Imimintina at poproteksyonan din ng CFC ang mga itatanim na mga punla.
Ang DENR naman ang magkakaloob ng technical assistance sa CFC tulad ng pagtukoy ng mga forestlands na tataniman ng puno.
Pangangasiwaan din nito ang pagsasagawa ng survey, planning at mapping ng mga lugar para malaman kung anong klase ng pananim na puno ang akma roon.