Hinimok ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda ang publiko na magkaisa para mas mapahusay pa ang pangangalaga sa kalikasan.
Ginawa ang pahayag kasunod na rin ng mga paglilinaw ng DENR sa paglalagay nila ng white sand sa Manila Bay.
Ayon kay Usec. Antiporda, ang white sand sa Manila Bay ay magsisilbing simbolo ng kalinisan at kampanya na panahon na upang pag-ingatan ang kalikasan.
Samantala, nilinaw ng DENR na hindi hinakot mula sa Coastal area ang mga nasabing buhangin dahil bawal ito.
Sa September 19, 2020, bibisitahin ng mga matataas na opisyal mula sa Department of Tourism (DOT), DENR, Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pa ang 500 meters na baywalk dito sa Manila Bay na tinambakan ng puting buhangin at ito ay malapit na rin maging bukas sa publiko.