DENR, napabilang sa top agencies as 2024 performance review ng DBM

Nakuha ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ranggo bilang isa sa mga nangungunang ahensya ng pamahalaan sa katatapos na 2024 Budget ng Bayan Monitor, isang performance review ng Department of Budget and Management (DBM).

Nakakuha ang ahensya ng very satisfactory rating batay sa APR review 2024.

Ang APR, na isinasagawa taun-taon, ay sumusuri sa mga ahensya ng gobyerno batay sa financial performance, physical accomplishments, at sa pagiging napapanahon at kalidad ng mga pagsusumite ng mga isinusumiteng reports.

Ito ay nagsisilbing isang public accountability tool, na nagpapakita kung paanong na-maximize ng mga ahensya ang kanilang budget sa paghahatid ng mga programa at serbisyo para sa mga mamamayan ng bansa.

Para sa Fiscal Year 2024, nakakuha ang DENR ng isang pangkalahatang marka na 4.55, na sumasalamin sa mahusay na pagpapatupad nito ng mga environmental programs at sa responsableng paggamit ng pampublikong pondo.

Sa naaprubahang budget nito na ₱28.9 bilyon ang Kagawaran ay may obligasyon na ₱26.9 bilyon at nakapagbayad ito ng ₱24.4 bilyon.

Facebook Comments