DENR, nilinaw na hindi pa binubuksan sa publiko ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center

Photo Courtesy: Wandering Bakya

Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi pa binubuksan sa publiko ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center.

Pitong buwan ding isinara ang Wildlife Center dahil sa pandemya.

Ayon sa DENR, ang pinapayagan lang sa ngayon ay mga private at commercial videos at photos sa loob ng wildlife center.


Kailangan lamang mag pa-schedule online sa Information Office bago ang petsa ng gagawing videos at photoshoots o kaya naman ay tumawag sa kanilang hotlines 8924-6031 o kaya ay mag-email sa nawpc@bmb.gov.ph.

Hindi tatanggap ng walk-in clients ang wildlife center at kailangang sundin ang mga safety protocol.

Makatatanggap ng approved confirmation ang mga kliyente at kailangang bayaran ang entrance fee sa Information Office nito.

Ang 23 hectares na Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center ay mayroong 3,000 na mga puno at mahigit 30 na iba’t ibang uri ng mga wildlife animal.

Facebook Comments