DENR, nilinaw na hindi white sand ang itatambak sa Manila Baywalk

Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi ‘white sand’ ang gagamiting panambak sa 500-metrong kahabaan ng baywalk bilang bahagi ng Manila Bay rehabilitation.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, ang mga buhanging idinala sa Manila ay dinurog na “dolomite boulders” mula Cebu.

Paliwanag ni Antiporda, bawal ibiyahe ang mga buhanging galing sa mga coastal areas.


Nanawagan si Antiporda sa publiko na tumulong sa pangangalaga ng Manila Bay.

Patuloy na pinapababa ang coliform level sa Manila Bay pero malayo pa rin ito mula sa standard level.

Ang standard coliform level sa coastal waters para ito ay ligtas na paglanguyan ay nasa 100 most probable number per 100 milliliters.

Una nang binatikos ng fisherfolk group na Pamalakaya ang plano ng DENR na tambakan ang Manila Bay dahil tila nakatuon ang rehabilitasyon sa pagpapaganda ng lugar sa halip na resolbahin ang mga problema nito.

Facebook Comments