DENR, on-track para tapusin ang Manila Bay Rehabilitation Project

Binigyang diin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nananatiling on-track ang pagpapatupad ng Manila Bay rehabilitation project.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, patuloy na naglalabas ng content ang mga Vlogger hinggil sa progress ng proyekto na pinamagatang “Battle for Manila Bay” na sinimulan noong 2019.

Ang mga Vlog sa Manila Bay ay epektibo para ipaalam sa publiko ang sitwasyon sa proyekto.


Pinasalamatan din ni Antiporda si Manila Mayor Isko Moreno sa patuloy na pagsuporta sa mga proyekto at programa ng DENR.

Sa ngayon, ang manila rehab project ay 30% nang tapos at ang pagbubuhos ng dinurog na dolomite sa 500-meter coastline ng Manila Bay ay matatapos sa loob ng isa hanggang dalawang buwan.

Nanawagan din si Antiporda sa mga kritiko na hintaying matapos ang proyekto bago ito husgahan.

Facebook Comments