CAUAYAN CITY – Inilapit sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang ilang serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng DENR ON WHEELS.
Kabilang sa inihandog na serbisyo ay ang Patent Issuance for Residential & Agricultural Land, maging ang special patent for goverment sites at school areas.
Nagbigay rin ang DENR ng Water Permit Use, Tree Cutting Permit, Certification for Lumber Dealers, Chain Saw Registration, Issuance of Tenurial Instrument, Wild Life Gratuitous Permit, Certificate of Wildlife Registration at Wild Life Farm Permit.
Nagkaroon din ng ‘One Stop Shop’ – DENR ON WHEELS sa Provincial Capitol sa bayan ng Bayombong kung saan nagbigay ng Free Patents at Certificates of Stewardship Contract sa mga Novo Vizcayanos.
May inabot din na tree seedlings ang DENR para sa mga dumalo sa kanilang aktibidad sa ilalim ng Climate Change mitigation program ng pamahalaan.