Pag-aaralan pa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung tuluyan nitong ipatitigil ang operasyon ng The Captain’s Peak Garden and Resort na itinayo sa gitna ng Chocolate HIlls sa Bohol.
Sa isang pulong balitaan, idinahilan ni Environment and Natural Resources Undersecretary Juan Miguel Cuna, ang pagiging isang private property ng kontrobersyal na pool resort.
Nilinaw naman ng DENR official na may nilabag sa batas ang landowner sa pagmamatigas nito na itayo ang proyekto kahit walang Environmental Compliance Certificate (ECC).
Giit pa ng opisyal, hindi nakapag-apply ng ECC ang resort hanggang sa inihain na ng DENR ang closure order noong September 2023.
Sinabi naman ni Environment and Natural Resources Secretary Antonia Loyaza, na nag-apply ng aplikasyon online ang Captain Peak Resort, pero hindi naman kumpleto ang mga isinumiteng mga dokumento.
Nanawagan naman ang kalihim sa Kongreso na maipasa na ang mga batas na bubuo sa enforcement bureau ng DENR upang mapadali ang mga proseso ng paghahain ng mga cease and desist order ng ahensya.
Nagpasalamat naman si Loyzaga sa mga netizen na ipinagbigay alam sa kanila ang pagtatayo ng naturang resort sa bisinidad ng Chocolate Hills.
Nanawagan din ang kalihim sa lahat ng pakikipagtulungan upang ma-monitor ang ma-protektahan ang ating kalikasan.