DENR, pangungunahan ang iba’t-ibang aktibidad sa selebrasyon ng World Water Day 2019

Sa harap na rin ng  nararanasang kakulangan ng suplay ng tubig sa Mega Metro Manila, pangungunahan ngayong araw ng  Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang linggong aktibidad na may layuning panawagan sa publiko ang kahalagahan ng  “water security” upang may magamit pang tubig sa hinaharap.

Layunin ng selebrasyon na maipatupad ang 2030 Agenda for Sustainable Development na nananawagan para sa sama-samang pagkilos ng lahat upang lutasin ang problema sa climate change.

Iba’t-ibang aktibidad ang gagawin na sinimulan noong Marso 15 hanggang 31 na layuning mapataas ang kamalayan sa importansiya ng tubig at mapaunlad ito.


Kabilang sa mga aktibidad ay ang World Water Day Awards ngayong araw at ang paglulunsad ng “The Battle for Esteros” na gaganapin sa Marso 31 kung saan ay sabay-sabay na lilinisin ang 65 esteros at waterways sa National Capital Region (NCR).

Lalahukan ito ng mga barangay executives, mga residente ang  mga opisyal at empleyado ng DENR, Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism (DOT).

Facebook Comments