DENR, posibleng ilabas ngayong linggo ang notice of violation sa mga istruktura sa Boracay

Manila, Philippines – Inaasahang ilalabas na ngayong linggo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang notice of violation sa mga istruktura sa forested area ng Boracay.

Sa tantiya ng DENR, nasa higit 20,000 non-island residents na nangunguphan sa isla ang posibleng maapektuhan ng relocation plan.

Ayon kay Rowel Aguierre, Executive Assistant ni Malay Mayor Ciceron Cawaling, maraming trabahador ang nahihirapang magpauwi-uwi mula Boracay kaya pinipili nilang magtayo ng bahay sa isla.


Una nang binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang may-ari ng mga hotel at resort sa Boracay na nagdudulot umano ng pagdumi ng sila.

Umaasa naman ang pamahalaang lokal na makikiisa ang lahat ng sektor para sa ikalilinis ng Boracay.

Facebook Comments