DENR Sec. Antonia Yulo-Loyzaga: Water rationing, maaaring bumalik kung magpapatuloy ang kawalan ng malalakas na pag-ulan

Hindi malayong bumalik ang water rationing sa sandaling magpatuloy ang kawalan ng malalakas na pag-ulan na inaasahan sanang magpapataas sa antas ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Yulo-Loyzaga, bagama’t hindi pa maituturing na water crisis ang sitwasyon.

Bagama’t nasa alanganing kalagayan ang suplay ng tubig, manageable o kaya naman itong pangasiwaan.


Batay sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydro-Meteorological Division, patuloy ang naitatalang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa pinakahuling update, naitala sa 180.67 meters ang lebel ng tubig sa dam na mas mataas sa minimum operating level nito.

Una nang ipinahayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na isa sa long-term solution ng pamahalaan ay ang pagtapos sa Kaliwa Dam upang maibsan ang epekto ng nakaambang El Niño Phenomenon.

Facebook Comments