DENR Sec. Cimatu at DPWH Sec. Villar, Pinangunahan ang Paglulunsad ng Cagayan River

57

Cauayan City, Isabela- Pinapangunahan nina DENR Sec. Roy Cimatu at DPWH Sec. Mark Villar ang paglulunsad ng Cagayan River Rehabilitation Project sa bayan ng Lal-lo sa lalawigan ng Cagayan na kasalukuyan ngayong araw, Pebrero 2, 2021.

Ito ay bilang bahagi ng mga konkretong proyekto ng Build Back Better Task Force na binuo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng Executive Order 120.


Pinangunahan ni Sec. Villar ang ceremonial dredging samantalang si Sec. Cimatu naman ang nanguna sa pagtatanim ng bamboo o kawayan.

Sa ilalim ng proyekto, ang mga sandbars sa Barangay Bangag sa Lal-lo at Barangays Casicallan Norte at Dummun sa Gattaran ang mga prayoridad para ma-dredge dahil pinipigilan nito ang pagdaloy ng tubig-baha patungo sa Aparri Delta.

Facebook Comments