DENR Sec. Cimatu, binisita ang lugar kung saan planong itayo ang COVID-19 cemetery sa Cebu City

PHOTO COURTESY: DENR CENTRAL VISAYAS

Binisita ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang dalawang ektaryang lupain sa Barangay Guba, Cebu City na planong gawing COVID-19 cemetery.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, ipinag-utos ni Cimatu na bawasan ang pagpuputol ng puno.

Tiniyak naman aniya ni Cebu City Councilor Dave Tumulak na i-aangkop sa disenyo ng sementeryo ang mga puno sa lugar.


Sinabi ni Antiporda na nasa 102 puno, partikular ang mga puno ng Mangga at Gmelina ang maaapektuhan ng proyekto sa Barangay Sapangdaku.

Ang timberland area ay pagmamay-ari ng DENR Region 7.

Nabatid na 300 Mahogany trees ang pinutol sa itinuturing na protected area.

Una nang iginiit ng Cebu City Government na halos mapupuno na ang kanilang mga sementeryo dahil sa pagdami ng mga namamatay sa COVID-19.

Facebook Comments