DENR Sec. Cimatu, maaaring hingin ang tulong ng militar para sa hard lockdown sa Cebu City; Ipatutupad na quarantine measures sa Hulyo, pagpupulungan ng IATF

Maaaring hingin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang tulong ng militar sa Cebu City sa pagtugon sa COVID-19 pandemic bilang representante ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mandato ni Sec. Cimatu na direktang magpatupad ng mga nararapat na hakbang para masugpo ang COVID-19 sa Cebu City.

Malaki rin aniya ang tiwala ng Malakanyang sa kalihim na agad masosolusyunan ang problema sa COVID-19 sa Cebu City.


Sinabi pa ni Roque na nakatakdang pagpulungan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Biyernes ang magiging quarantine measures ng Cebu City para sa Hulyo.

Matatandaang muling isinailalim ni Pangulong Duterte ang Cebu City sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa tumataas na COVID-19 cases.

Facebook Comments