DENR Sec. Gina Lopez at DOF U sec Bayani Agabin – nagkainitan sa pagpupulong ng Mining Industries Coordinating Council

91
Manila, Philippines – Nagkainitan sa meeting ng Mining Industries Coordinating Council o MICC sina Environment Sec. Gina Lopez at Finance Undersecretary Bayani Agabin.
 
Nag-ugat ito nang hilingin ang pahintulot sa media na i-cover ang nasabing meeting.
 
Gusto kasi ni Lopez na payagan ang media na magcover sa pulong na siya namang pinalagan ni agabin.
 
Giit ni Agabin – pwede namang ilahad ang mga mapag-uusapan pagkatapos ng meeting.
 
Bunsod nito, idinaan na lang sa botohan kaya pumayag si Lopez.
 
Ang MICC ang inutusang magrepaso sa pagpapasara ng DENR sa ilang minahan sa bansa.
 
Dati nang tinutulan ni Lopez ang pagreview ng MICC sa desisyon ng DENR na ipasara ang 23 minahan at ipasuspendi ang lima pa.
 

Facebook Comments