DENR Sec. Gina Lopez – muli namang sumalang sa confirmation hearing ng C-A

66
Manila, Philippines – Muling humarap ngayon si DENR Sec. Gina Lopez sa confirmation hearing ng makapangyarihang Commission on Appointments.
 
Sa pagharap sa C-A, patuloy ang paninindigan ni Lopez na ipahinto ang 23 mining operation dahil sa mga di umano’y paglabag sa batas pangkalikasan. 
 
Hinarap din ng kalihim ang 20-humaharang sa kanyang kumpirmasyon kung saan ilan sa kanya ay mga consultant ng mga malalaking kompanya ng minahan.
 
Giit ni Lopez – hindi siya naghahanap ng ayaw sa mga mining companies kundi ang gusto lang nito na makipagtulungan sila sa kagawaran upang mailigtas ang kalikasan.
 
Una nang pinayuhan ni Sen. Panfilo Lacson si Lopez na galingan ang pankumbinsi sa mga miyembro ng C-A upang paburan ang kanyang kumpirmasyon.
 
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments