Manila, Philippines – Patong patong na reklamo na inihainng isang kompaniya ng minahan sa tanggapan ng Ombudsman laban kay Department ofEnvironment and Natural Resources o DENR Secretary Gina Lopez.
Sa apat na put isang pahinang reklamo ng Citinickel MinesDevelopment Corporations laban kay Lopez, kabilang sa mga reklamo ay anti-graftand corrupt act, illegal exaction, paglabag sa code of conduct and ethical standardfor public officials, at paglabag sa red tape.
Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, legal counsel ng Citinickel,ginagamit ni Lopez ang kaniyang pwesto para magpatupad ng dagdag narequirements ng walang legal basis.
Tanging kongreso lang aniya ang maaring magtakda ng mgadagdag na requirement para sa batas sa pagmimina.
Iginiit pa ng mining company, binabalewala ni Lopez angkautusan ni Executive Secretary Salvador Midialdea na alisin ang suspensionlaban sa Citinickel dahil pumasa sa audit ng DENR.
DENR Sec. Gina Lopez, pinakasuhan sa Ombudsman ng isang mining company
Facebook Comments