DENR Sec. Roy Cimatu, nagbitiw sa pwesto

Nagbitiw bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Roy Cimatu dahil sa kaniyang kalusugan.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Nagsumite ito ng kaniyang resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, February 14, na agad namang tinanggap ng pangulo.


Samantala, itinalaga naman si DENR Usec. Jim Sampulna bilang OIC.

Facebook Comments