DENR Sec. Roy Cimatu, tututukan ang 12 barangay sa Cebu City na may mataas na kaso ng COVID-19

Sesentro ang COVID-19 response ng pamahalaan sa Cebu City sa 12 barangay sa siyudad na mataas pa rin ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na itinalaga bilang point person ni Pangulong Rodrigo Duterte para pangasiwaan ang COVID-19 response sa Cebu City, ipatutupad nila ang hard lockdown sa mga barangay na ito.

Base sa datos kahapon, naitala ang pinakamaraming nasawi sa Cebu City na umabot sa 13.


Nakikitang dahilan dito ni Cimatu ay ang hindi pagsunod ng mga Cebuano sa health standards tulad ng social distancing at ang pagbabalik ng mga Locally Stranded Individual (LSI).

Paliwanag pa nito, hindi na-implement ng maayos noon ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Cebu dahilan para muling tumaas ang kaso ng COVID-19 at ibalik sila sa ECQ status.

Pero dahil sa intervention ngayon ng national government, tiwala anila silang macocontrol na ang pagkalat ng virus sa siyudad.

Facebook Comments