DENR Secretary Cimatu, iniutos na pigilan ang mga illegal loggers bago makapagputol ng puno

Plano ni Environment Secretary Roy Cimatu na baguhin ang tinatawag na “traditional model of forest protection” ng ahensya.

Layon nito na mahuli ang mga illegal loggers bago pa man makapagputol ng puno sa halip na makakumpiska lamang ng mga pinutol nitong kahoy.

Ayon kay Cimatu, ang maituturing na trophy ng taga-DENR ay ang mismong nakatayong mga puno at hindi ang mga nakukumpiskang mga putol na.


Inatasan naman ni Cimatu si DENR Undersecretary for Special Concerns Edilberto D. Leonardo na bumuo ng apat na special composite team na magdadagdag sa anti-illegal logging operations sa Cagayan Valley, Bicol Region at sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape.

Ayon pa sa Environment Chief, ang pagbuo ng augmentation teams sa mga nabanggit na lugar ay isang madiskarteng paraan sa bahagi ng DENR upang baguhin ang nakasanayan sa pagprotekta ng kagubatan bagkus ay mas mainam na masawata at maparusahan ang mga financiers at operators.

Facebook Comments