DENR Secretary Cimatu, naniniwalang nasapawan na ng sobrang suporta ng publiko at ni Pangulong Duterte ang kritisismo sa Manila Bay beach nourishment project

Naniniwala si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na nasapawan na ng suportang ibinigay ng publiko at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritisismo sa beach nourishment project na isang mahalagang bahagi ng Manila Bay rehabilitation program.

Pinasalamatan ni Cimatu ang publiko at ang Pangulo sa ibinigay na pagkilala sa mga pagsisikap ng Manila Bay Task Force na linisin ang bahagi ng Baywalk.

Sinabi pa ni Cimatu na ang pagdagsa ng mga tao sa Manila Bay noong nakalipas na weekend upang masulyapan ang white sand beach ay isang malakas na indikasyon na ang proyekto ay labis na sinusuportahan ng publiko.


Nalungkot nga lamang ang environment chief nang hindi naipatupad ng maayos ang physical distancing dahil na rin sa kagustuhan ng mga tao na makita ang white sand beach.

Ibinabahagi naman ni Cimatu ang mga papuri at pagkilala na natatanggap ng DENR dahil sa beach nourishment project sa iba pang mga mandamus agency.

Facebook Comments