Manila,Philippines – Ipinag-utos ni Environment Secretary Gina Lopez na ipagbawal angmga bagong open pit mining projects.
Base sakanyang inilabas na kautusan, karamihan sa mga trahedyang nangyayari sa minahanay mula sa mga open pito ang mga minahang hindi na kailangang gumawa ng mga lagusan o tunnels dahil mababawa lang ang pagkukunan ng mineral deposits.
Paliwanag ni Lopez – magiging financial liability ng gobyerno ang minahan sa oras naito’y napabayaan.
Delikado rin aniya ito sa mga komunidad at pinapatay ang ekonomic potential ng bansa.
Kabilang sa mga pinagbabawalan ay yung mga walang permit at nabigyan na ng permit pero hindi pa nagsisimulang magmina.
Kabilang dito ang open pit sa Compostella Valley, South Cotabato at Surigao Del Norte kungsaan bibigyan ni Lopez ang mga ito ng show cause order.
Iginiitnaman ni Ron Recidoro, Vice President ng Chamber of Mines of the Philippines –walang karapatan si Lopez para baguhin ang mga karapatan sa pagmimina bata sa Philippine Mining Act.
Hinihintay pa ang komento ng PHILEX Mining Corp. tungkol sa isyu.