Nangako si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na maihahatid ng Pilipinas ang commitment nito sa 5- year Sendai Framework for Disaster Risk Reduction na target na makumpleto sa 2030.
Sa kaniyang welcome message sa opening ceremony ng 2024 Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR), sinabi ni Loyzaga na habang papalapit ang 2030, mahalaga na mai-refine ang mga approach sa paghahanda sa banta ng sakuna at kalamidad at mai-integrate ito sa mga transformative actions.
Aniya, kailangan ng early warning at early actions sa pagkamit ng target Sendai framework.
Dapat aniyang mapagsama ang traditional knowledge at sound science para makatawid sa antas ng disaster resiliency at mangangailangan aniya ito ng innovation at investment.
Una nang sinabi ng kalihim na kailangan ng isang just transition sa nangyayaring climate change conversation upang mapaghandaan ang mga mangyayari habang ang bansa ay kumikilos palayo sa fossil fuel at mga industriyang sinusuportahan ng fossil-fuel.