DENR Secretary Roy Cimatu, inirekomendang panatilihin ang ECQ sa Cebu City

Inirekomenda ni Environment Secretary Roy Cimatu na panatilihin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Cebu City.

Ayon sa kalihim, kailangang panatilihin ang ECQ sa lungsod dahil patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19.

Aniya, pangunahing dahilan ng pagsipa ng COVID-19 cases sa Cebu City ay ang hindi pagsunod ng mga residente sa ECQ protocols at ang kakulangan ng mga pulis na magpapatupad ng quarantine.


Bagama’t sumusunod na sa protocols ang mga residente, nadadagdagan pa rin ang kaso ng sakit sa lungsod dahil sa pagdating ng mga overseas Filipino workers (OFW) at Locally Stranded Inviduals (LSI) mula Metro Manila.

Kaugnay nito, plano ni Cimatu na magtayo ng mas malalaking quarantine facility na malayo sa mga barangay.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cimatu na pangunahan ang COVID-19 response sa Cebu City.

Ngayong araw naman inaasahang ia-anunsyo ng Pangulo ang bagong quarantine protocols sa bansa.

Facebook Comments