Sinimulan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang imbestigasyon sa quarry operations sa lalawigan ng Rizal.
Apat na composite team ang binuo kasunod ng malawakang pagbaha sa ilang parte ng lalawigan at Marikina City ng manalasa ang Bagyong Ulysses noong nakalipas na buwan.
Bawat team ay binubuo ng kinatawan mula sa DENR’s regional at central offices at regional representatives mula sa Mines and Geosciences Bureau, Environmental Management Bureau at Biodiversity Management Bureau.
Una nang sinuspinde ng Mines and Geoseciences Bureau ang 11 quarries at crushing plant operators na nasa loob ng basin na naka konekta sa Marikina River.
Sabi ng DENR, sa 11 suspended companies, 5 sa kanila ay may hawak na Mineral Production Sharing Agreements—isang permit na ipinagkaloob ng gobyerno na sa mga contractors para makapagmina sa mga tiyak na lugar.
Bukod dito, sinuspinde rin ang anim na kumpanya na may existing mineral processing permits.
Mananatiling suspendido ang operasyon ng mga kompanya hanggang matapos ang assessment ng composite teams.