DENR, sinuspinde ang tatlong MPSAs sa Masungi Georeserve sa probinsya ng Rizal

Sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Mineral Production Sharing Agreements na ibinigay sa tatlong large-scale mining companies na sumakop sa Masungi Georeserve sa Baras, probinsya ng Rizal.

Ito’y matapos lagdaan ni DENR acting Secretary Jim Sampulna ang magkakahiwalay na order na nagsususpinde sa MPSA ng Rapid City Realty and Development Corp., Quimson Limestone, Inc., at Quarry Rock Group, Inc.,

Lumilitaw na hindi na operational noon pang 2004 ang naturang kompanya, pero ginawan ng DENR ang hakbang para mapanatag na ang kalooban ng publiko.


Nanawagan si Sampulna sa mga makakalikasang grupo na tulungan ang ahensya na i-report ang anumang illegal activities sa loob ng Upper Marikina River Basin Protected Landscape (UMRBPL).

Noong 2017, nilagdaan ni dating DENR Secretary Gina Lopez at ng Masungi Georeserve Foundation Inc. (MGFI) ang Memorandum of Agreement na sumasaklaw sa 2,798 ektarya ng lupain na matatagpuan sa UMRBPL.

Alinsunod sa pagpasa ng Expanded National Integrated Protected Area Systems Act or ENIPAS Act, ang UMRBPL ay idineklarang protected area noong 2018.

Facebook Comments