DENR, susuriin ang kalidad ng tubig sa WPS kasunod ng ulat na nagtatapon ang China ng dumi ng tao

Susuriin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang water quality sa West Philippines Sea.

Ito ay kasunod ng mga ulat na may ilang barko ng China ang nagtatapon ng dumi ng tao sa karagatan.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, aalamin nila ang mga lugar kung saan nangyayari ito.


Pero duda siya na totoong nagtatapon ng dumi ng tao sa West Philippines Sea.

Sa mga kumakalat na litrato, tingin ni Antiporda na hindi ito human waste pero oil spiil.

Facebook Comments