DENR target ang dagdag na sanitary landfills bago mag 2022

Puntirya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mas maraming engineered sanitary landfill na maitayo bago ang taong 2022.

Ito ay alinsunod sa kautusan ni Environment Secretary Roy Cimatu na pag “review at revise” ng DENR Administrative Order 2001-34 o ang Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 9003 upang gawing mas madali at abot-kaya ang pagtatayo at pagpapagana ng sanitary landfill.

Ayon kay DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units (LGU) Concerns Benny D. Antiporda, napupuno na ang mga sanitary landfill at posibleng bumalik ang mga LGUs sa paggamit ng open dumpsite na idineklarang illegal sa ilalim ng RA 9003.


At maraming LGU ang nahihirapan na sumunod sa batas dahil ang pagtayo at pagpapanatili ng sanitary landfill ay nangangailangan ng malaking halaga at komplikado.

Aniya, sa “engineered” method ng landfilling, ang basura ay dinadala sa disposal facility na “designed, constructed at operated” sa paraang protektado ang public health at ang environment.

Facebook Comments