Kumpiyansa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magagamit na sa Hulyo ang sewage interceptor at treatment plant na matatagpuan sa Manila Yacht Club.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, maibababa sa standard level ang coliform level ng Manila Bay sa pamamagitan ng treatment plant.
Sa ilalim ng standard level, mayroon lamang itong 100 most probable number per 100 milliliter (mpn/100ml) kung saan ligtas itong paglanguyan at maaaring magsagawa ng iba pang recreational activities.
Kakabitan din ng solar panel ang treatment facility para sa patuloy na supply ng kuryente.
Ang nasabing pasilidad ay kayang isalang sa treatment ang nasa 500,000 litro ng wastewater kada araw.
Facebook Comments