Tiniyak ng Department of Environment and National Resources (DENR) na hindi magiging superspreader event ang pagbubukas ng Dolomite Beach.
Sa interview ng RMN Manila, aminado si DENR Usec. Benny Antiporda na hirap silang makontrol ang dagsa ng mga tao pero iginiit na hindi nagkulang sa pagsita sa mga pasaway sa health protocols.
Dagdag pa niya, binuksan ang Dolomite Beach para mabawasan ang nararanasang anxiety ng mga Pilipino dahil sa pandemya at hindi para magdulot ng hawaan ng COVID-19.
Samantala, nananawagan ang ilang grupo na dagdagan pa ang araw na sarado ang Dolomite Beach matapos itong dagsain nitong weekend.
Facebook Comments