Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magtutuloy-tuloy ang ginagawang restorasyon at rehabilitasyon ng Cagayan River kahit na matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 2022.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, nangako ang 22 na national government agencies na bigyang prayoridad ang pagpapatuloy ng proyekto.
19 na sandbars ang natukoy ng task force para sa “clearing” kung saan tatlo sa mga ito ang prayoridad na hukayin dahil nababarahan nito ang pagdaloy ng floodwater sa Aparri Delta patungo sa Babuyan Channel na siya nitong pinal na destinasyon.
Ang proyekto ay magsisilbing “pioneer” para maitatag ang mga regional task force na sisimulan sa mga rehiyon na sinalanta ng Bagyong Odette.
Kabilang dito ang MIMAROPA, Caraga, Western Visayas, Eastern Visayas, Central Visayas at Northern Mindanao.