DENR, tiniyak na mayroong proper management sa vaccine-related wastes

Bago pa man dumating ang mga COVID-19 vaccines sa bansa, alam na ng Pilipinas ang proper handling ng mga vaccine related waste.

Ito ang tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasabay ng pagsasagawa ng vaccine rollout sa bansa laban sa coronavirus pandemic.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, mayroong guidelines at procedures na sinusunod para sa maayos na pagtatapon ng medical vials at mga hiringilya na ginamit sa immunization program.


Mayroong 53 transporters at 23 treatment, storage and disposal facilities ang nakarehistro sa buong bansa.

Ang mga syringes at vials na ginamit sa vaccination ay classified bilang hazardous waste at kailangan ng special permit para ito ay ibiyahe.

Facebook Comments