Gagawing regular na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang clean-up operations sa Manila Bay at mga water tributaries.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, layon nito na maiwasan ang pagbaha dahil sa mga baradong daluyan ng tubig.
Noong Oktubre 29, 2020, aabot sa 526,477.58 cubic meters ng basura at burak ang nahakot ng DENR sa 51.88 kilometro ng primary esteros sa bahagi ng Manila Bay region.
Bago pa man makarating sa Manila Bay, ang mga estero ay dumadaloy sa mga pangunahing river systems tulad ng Pasig, San Juan, Las Piñas-Zapote, Taguig-Pateros, Parañaque, Marikina at Navotas-Malabon.
Ang mga aktibidad na ito ay nagpapababa rin sa fecal coliform level sa Manila Baywalk area mula 62,700 most probable number per 100 milliliter (mpn/100ml) noong Enero 2019 hanggang 9,200 mpn/100ml ngayong Setyembre 2020.
Ayon pa kay Cimatu na siya ring Chairman ng Manila Bay Inter-Agency Task Force, ang kooperasyon ng mga stakeholders ay napakahalaga at kritikal upang maibalik sa dati ang kalidad ng tubig sa Manila Bay.