Tiniyak ni Department of Environment (DENR) Secretary Roy Cimatu na magiging matagumpay ang isinasagawa nilang rehabilitasyon sa Manila Bay.
Ayon sa kalihim, kinakailangan ng pamahalaan ang tulong ng mga mamamayan at mga Barangay Official para maging matagumpay ang proyekto.
Aniya, ang paglilinis sa mga ilog na nakakonekta sa Manila Bay ay bahagi pa rin ng rehabilitasyon nito.
Dagdag pa niya, kinakailangan ang lahat ng mga establisyemento ay sumunod sa Clean Water Facilities para hindi makadagdag sa polusyon na pumupunta sa nasabing baybayin.
Facebook Comments