DENR, tiwalang matatag ang inilatag na dolomite sand sa Manila Bay

Nananatiling tiwala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na matibay at matatag ang Manila Bay Nourishment Project.

Ito ay patunay mula sa initial assessments na isinasagawa ng mga eksperto.

Ayon kay Environment Undersecretary for Policy, Planning, and International Affairs Jonas Leones, hindi basta-basta aanurin ang inilatag na dolomite sand sa lugar dahil mayroon silang mga ginawang ‘engineering interventions’ para dito.


Paliwanag pa ni Leones, may inilagay silang dalawang geotubes na mayroong dalawang metro ang dayametro para maiwasan ang soil erosion at masira ng bagyo.

Ang paggamit ng geotextile tube system ay mas makakamura kumpara sa pagtatayo ng breakwater.

Sinabi naman ni Manila Bay Operations Center Head at Environment Assistant Secretary Daniel Darius Nicer, walang patunay na mabilis lamang na maaanod ang dolomite sand.

Hindi aniya ito inaanod kundi nagkakaroon ng discoloration sa ilang bahagi ng white beach.

“Due to the natural wave action of wash and backwash, greyish sand, stones, rocks and other materials piled up over the dolomite sand,” sabi ni Nicer.

Batay sa inspeksyong isinasagawa ng mga eksperto mula sa DENR, nasa siyam hanggang 10 pulgadang iba’t ibang uri ng sediments ang tumatabon sa dolomites.

Paglilinaw naman ni Environent Undersecretary Benny Antiporda, ang proyekto ay hindi lamang inisyatibo ng DENR, kundi maging ng iba pang ahensyang bahagi ng Manila Bay Task Force na binuo pa noong 2019 ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng No. 16.

Facebook Comments