DENR, umapela sa publiko na iwasan ang paggamit ng mga paputok

Umapela ang Dept. Of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na iwasang gumamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Giit ni DENR Sec. Roy Cimatu – ang mga tradisyunal na pagpapaingay sa Bagong Taon ay nagdudulot ng polusyon sa hangin at nagdudulot ng banta sa kalusugan.

Sa halip na gumamit ng pyrotechnics at firecrackers, hinimok ng DENR ang publiko na gumamit ng eco-friendly alternatives, tulad ng street parties, musical concerts, pagpapatugtog ng malakas at pagpapatunog ng busina.


Sa pagsalubong sa Bagong Taon, umaasa ang DENR na mahalagang magbago rin ang kultura at ugali ng mga Pilipino upang maprotektahan ang kalikasan.

Facebook Comments