Muling umapela ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na makiisa sa clean-up drive ng mga estero na konektado sa Manila Bay.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, layon nitong maiwasan na ang mga nararanasang pagbaha sa tuwing umuulan at may bagyo dahil sa mga baradong daluyan ng tubig.
Mula Oktubre 29, aabot na sa mahigit 526,000 cubic meter ng basura at burak ang nahahakot ng DENR sa mahigit 51 kilometrong estero malapit sa Manila Bay.
Partikular na binabantayan ng DENR ang mga estero sa lungsod ng Maynila, Caloocan at mga ilog na nag-uugnay sa mga lungsod ng Pasig, San Juan, Las Piñas – Zapote, Taguig – Pateros, Parañaque, Marikina, Navotas at Malabon.
Facebook Comments