DENR, wala pang final assessment sa halaga ng pinsala sa ecosystem ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress

Hindi pa masabi sa ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung magkanong halaga na ang pinsala sa ecosystem na idinulot ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Sa isang panayam, sinabi DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na para masabi nila ito, dapat munang makita mismo kung gaano kalawak na ang inabot nito sa karagatan.

Sa ngayon ayon sa kalihim ay nakikita nilang napakalawak na ektarya na ng dagat ang inabot ng tagas ng langis.


Pero hindi pa nila nagagawa ang pagtantiya dahil hindi pa pinapayagan ang pagbaba sa tubig ngunit inaasahan aniya nilang magagawa na nila ito sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments