Dental Diva na si Kakai Bautista, kakasuhan daw ng kampo ng isang Thai superstar

Nagbabala ang management ng Thai superstar na si Mario Maurer na hindi mag-aatubiling gumawa ng legal action laban sa comedienne-singer na si Kakai Bautista.

Batay sa sulat na ipinadala laban kay Kakai, nakarating daw sa kaalaman ng Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd. ang panggagamit ng “tinaguriang dental diva” sa kanilang talent na si mario.

Itinatanggi nila ang lahat ng mga sinasabi noon ni Kakai na close sa kanya si Mario at hindi raw totoong nag-“I love you” sa kanya ang sikat na Thai actor.


Giit ng management ng Thai superstar, tigilan na ang panggagamit kay Mario at sagutin ang kanilang sulat.

Naging co-star sina Kakai at ang Thai superstar sa 2012 Star Cinema Film.

Facebook Comments